Mag-ina, Hinimas at Pinagbantaan

KULONG ANG isang lalaki matapos hipuan ang kapit-bahay na ginang at pagbantaan ang anak na dalagita ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Grave Threat in Relation to Child Abuse at Acts of Lasciviousness si Salmero Cartago, 33 ng PNR Compd., ng lungsod.

Sa pahayag ni Nora Mariño, 40, alas-8 ng gabi, nakasalubong niya sa paglalakad sa nasabing lugar si Cartago nang biglang hawakan ng suspek ang ari ng biktima.

Nagalit ang biktima subalit pinagbantaan pa ng masama ng suspek na naging dahilan upang humingi ng tulong ang una sa mga barangay tanod.

Nadakip naman ang suspek subalit nakatakas at makalipas ang isang oras ay ang anak naman na dalagita ni Mariño na edad 12 ang nakasalubong ng suspek.

Pinagbantaan din ng masama ng suspek ang dalagita na naging dahilan upang magsumbong sa mga pulis at nang respondehan ay hindi na nakapalag si Cartago nang damputin.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.