Mag-iinang Tsinoy, Kinidnap

KINIDNAP ANG isang ginang at tatlo nitong anak habang nakatakas ang isa ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek habang ang mga una ay papunta sa eskuwelahan sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Hindi muna pinangalan ang ginang na edad 50 at mga anak na edad 12, 14 at 9 batay na rin sa hiling ng pamilya upang hindi malagay sa peligro ang mga mag-iina.

Sa ulat, alas-7:30 ng umaga, sakay ang mga biktima ng kanilang Toyota Revo at bago pagda-ting sa Philippine Cultural School sa 8th Avenue ng lungsod ay hinarang ng mga suspek.

Mapalad ang biktimang 16 anyos dahil nakalabas ng sasakyan at nakatakas habang tuluyan nang natangay ang ina at mga kapatid.

Inilihim naman ng Caloocan City Police ang tungkol sa nasabing insidente sa hindi malaman na dahilan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.