Mag-iina, todas sa LPG

MAGKAKASUNOD NA nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) ang mag-iina makaraang sumabog ang tangke  ng liquefied petroleum gas (LPG)  sa loob  ng kani-lang tahanan sa Tondo.

Unang nasawi ang isang 6-anyos na anak na lalaki na nakilalang si Sean at kamakailan lamang umano magkasunod na binawian ng buhay ang ina na si Jenny Nery, na pitong-buwang buntis 34;  at ang isa pa nitong anak na si Saina, 3, pawang mga residente ng  #1647 F. Varona St., Tondo, Maynila.

Lumalabas sa report ni Fire Officer 2 Lord Hernandez, ng Arson Division ng Manila Fire Bureau, dakong alas-9:30 ng gabi kamakailan nang  bigla umanong sumabog ang LPG ng pamilya Nery.

Wala naman umanong nadamay na ibang bahay sa nasabing pagsabog at unang isinugod ang mag-iina sa Mary Johnston Medical Center, ng bandang alas-9:45 ng gabi, at inilipat din sa PGH, na kung saan halos lahat sila ay magkakasunod na nasawi.

Samantala, mariin naman ang pagtanggi ng mga kaanak ng pamilya Nery na siyasatin pa ang naturang pangyayari.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.