Mag-iina, Patay sa Umapaw na Sapa

 

NASAWI ANG isang ina kasama ang dalawa niyang anak matapos na anurin at malunod sa umapaw na sapa sa kasagsagan ng ulan kamakailan sa Antipolo City sa Rizal.

Natagpuan ang bangkay ng ina na nakilalang si Michelle Powao sa ilog ng Barangay Dalig sa bayan ng Teresa, Rizal.

Hatinggabi na nang matagpuang nakalambitin sa barbwire ang limang taong gulang na si Veronica Mae at sunod namang natagpuan kamakailan ang bangkay ng isang taong gulang na si John Michael.

Dahil sa pangyayari, umaapela ang mga residente sa lokal na pamahalaan na lagyan na ng permanenteng bakod ang nasabing delikadong lugar para hindi na maulit ang trahedya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.