Mag-iina, Bugbog Sarado; Ama, Nagbanta pa sa loob ng Kulungan

“PAPATAYIN KO kayong lahat paglabas ko ng kulungan.”

Ito ang galit na tinuran umano ng isang ama laban sa kanyang asawa’t dalawang anak makaraang ipakulong ng mga biktima ang suspek sa kasong sa pambububog sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kahapon ng umaga.

Ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Malabon Police Station sa kasong serious physical injuries at grave threat ay si Jerry Mangulundang 44, at residente ng # 74 Hablusa St., Brgy. Tangos ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang nagreklamo sa suspek ay ang kanyang asawa na si Julieta, 39, ang mga anak na sina Gerishes, 16, at Jordan, 14, mga naninirahan sa nabanggit na lugar.

Base sa naging reklamo ng mga biktima, dakong alas-1:00 ng umaga nang dumating ang suspek sa kanilang bahay na hindi na umano makakakilala dahil sa kalasingan.

Ayon sa asawa ng biktima, walang sabi-sabing pinagsusuntok sila sa mukha at hindi pa umano nasiyahan ay pinagsisipa pa sila sa kanilang katawan.

Halos hindi na makilala ang mga biktima dahil nadisporma ang kanilang mga mukha sanhi ng mga timanong pinsala.

Sanhi ng sobrang eskandalao ay nakatawag ng pansin sa mga barangay tanod sa naturang lugar ay mabilis na nagresponde na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.