Mag-iina at lolo; minasaker

APAT NA katao ang minasaker sa loob ng kanilang tahanan sa Saint Francis Village, Brgy. Burol 2nd, Balagtas, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Alfonso Cruz kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rodrigo Roque Y Calalang, 77 anyos; anak nitong si Cristina Sta. Ana, 42; at dalawang anak ni Cristina na sina Corine Joy, 12 at Christian 10.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang madiskubre ni Erickson Roque, 27 anyos, empleyado ng isang mall sa Marilao, Bulacan at apo ng biktima.

Ayon sa apo ng matanda, nangilabot siya nang makita niya ang kanyang Lolo na nakahandusay sa sala ng kani-lang bahay, kasama ang kanyang tiyahin na si Tina at ang dalawa nitong pinsan, na kapwa tigmak ng dugo sa buong katawan, dahil sa dami ng saksak at palo ng llave-tubo.

Sa inisyal namang im-bestigasyon ng mga awtoridad, posible umanong pagnanakaw ang motibo ng pamamaslang dahil nakabukas na ang kaha de yero o vault at nawawala umano ang halagang P200,000 ni Lolo Rodrigo na isang rice miller sa Inter City sa bayan ng Bocaue.

Nabatid sa paunang report ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang kitchen knife at isang llave tubo na ginamit sa ka-rumal-dumal na pamamaslang sa pamilya.

Nagtamo ng pinakamaraming saksak sa ulo, leeg at dibdib ang first year high school student na si Corine Joy na may 45 saksak, bukod dito’y basag din ang mukha at halos hindi na makilala sanhi ng palo ng llave tubo. Habang apat na saksak ang tinamo ng nakababatang kapatid nito, samantalang 22 saksak naman ang kanilang ina na si Tina, habang siyam na saksak naman si Lolo Rodrigo.

Ayon naman kay Wilma, bunsong kapatid ng pinaslang na si Tina, wala umanong kaaway ang kanilang pamilya, at matulungin din ang kanyang ama kaya wala silang alam na matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa kanyang ama, kapatid at dalawang pamangkin.

Samantala, patuloy naman ang isinagasawang imbestigasyong ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, Provincial Investigastion Branch, at mga pulis hinggil sa naganap na massacre sa pamilya Roque.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.