Mag-dyowang pinaslang, nagpaparamdam

NAGPAPARAMDAM UMANO sa kanilang mga kaanak ang magkasintahang pinaslang kamakailan sa loob mismo ng kubong tinutuluyan habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng lalaki sa bayan ng Alcala, Pangasinan.

Base sa salaysay ng mga kaanak ng napaslang na magkasintahang sina Jomar Laya at Dianne Faith Cruz, naka-ririnig sila ng iyak at ungol na tila humingi ng tulong mula sa loob ng nasabing kubo kung saan walang awa silang pinagsasaksak hanggang sa lagutan ng hininga.

Hanggang ngayon ay hustisya pa rin ang hiling ng mga kaanak ng mga biktima at umaasang bago mailibing ang dalawa ay mahuli na ang mga suspek.

Samantalal, aminado ang mga awtoridad na hirap silang malutas ang naturang kaso dahil hindi nakikipagtulungan ang mga witness sa pamamaslang.

Posible umanong tumagal ang pagresolba kung hihintayin pa ang resulta sa DNA test mula sa mga nakalap na blood samples kasama na ang finger prints na nakuha sa crime scene. (PARAZZI REPORTO-

RIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.