MAG-DYOWANG IYA VILLANIA AT DREW ARELLANO, PINAGSABONG?!

T UWING UMAGA ay magkakatapat ang shows ng magdyowang sina Iya Villania at Drew Arellano, si Iya sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN (na nagsimula recently), samantalang si Drew naman ay regular na noon pa ng Unang Hirit ng GMA-7 naman.

Nu’ng una ay hindi makapaniwala ang magkasintahan (of more than five years na yata) na magkakatapat ang kani-kanilang shows, pero tine-take na lamang nila ito as a challenge for both of them, dahil magkaiba naman ang kanilang style at may sari-sarili na silang audience at supporters.

“I know we will be compared, pero the televiewers will know naman na we’re just working,” sabi daw ni Drew sa girlfriend nitong si Iya.

More on outdoor hosting naman daw ang ginagawa ni Drew sa Unang Hirit, samantalang si Iya ay nasa studio ng Umagang Kay Ganda, na ni-reformat recently at ginawang mas “younger” ang look o format.

Walang choice ang magdyowa magkatapat man ang kanilang shows dahil kapwa talents lang sila ng dalawang higanteng networks na ganoong kaaga pa lamang ay nagpapaligsahan na sa ganda ng show, at pataasan ng ratings.

Ang love affair nina Iya at Drew ay isa sa masasabi naming tahimik, cool o relaxed lang, walang intrigahan. Smooth sailing, kumbaga. Marahil ay dahil magaling rin silang magdala ng relasyon, hindi tulad ng iba na nagkakaroon ng “competition” kung minsan, dahil parehong nasa showbiz.

Very much happy ang alaga ni Arnold Vegafria dahil sa dinami-rami ng ABS-CBN contract artists, eh siya ang isa sa mga bagong dagdag na hosts ng UKG, kasama rin sina Venus Raj, etc.

After niyang lumabas sa Kristine series, next in line na ang reality show ni Iya with Jericho Rosales. Regular host pa rin siya ng Us Girls and Myx.

WALA NAMAN daw “sapawan” na dapat maganap sa pagitan nina Billy Crawford  at  Vhong Navarro nga-yong pasok na rin as co-host si Billy sa Showtime ng Kapamilya network (nilunsad noong Sabado), kasama pa rin si Anne Curtis at ang bago ring pasok as co-host na si Karylle.

Kung dati’y hurado lang ang drama nina Billy at Karylle sa show, ngayon ay regular hosts na sila with Vhong and Anne, at management decision ito dahil nagdagdag nga raw sila ng segments sa show.

May segments sa singing, ac-ting, dancing. Malalaman natin ang segment na mapupunta kay Billy soon, pero malamang na sa acting na ito dahil mas kilala ng publiko si Vhong as a dancer (from Streetboys), kaya malamang si Vhong sa dancing.

Sa February 26 ay balik-ere na rin ang Pilipinas Got Talent kunsaan isa rin si Billy as host, kasama si Luis Manzano, at sure na rin pala ang movie ng Kanto Boys under Star Cinema, with John Lloyd Cruz, Luis, Vhong, and Billy nga.

MORE THAN 20-25 million pesos plus daw ang total production cost ng Prey, ang bagong pelikula ni Cannes Best Director Brillante Mendoza!

Ito ay dahil powerhouse ang cast headed by Isabelle Huppert, isang award-winning French actress bilang isang foreigner na nabiktima ng kidnapping ng mga Abu Sayaff na ginagampanan naman nina Ronnie Lazaro, Raymond Bagatsing, Sid Lucero, at Mon Confiado.

Naka-three weeks straight shooting rin ang grupo ni Direk Dante sa mga bundok at karagatan sa Pilipinas (Batangas, etc.) at dahil action-drama ang concept ng movie, may malalaking blastings ito, special effects na gagastusan, at ang laki ng talent fees ng fo-reigner actors headed by Isabelle nga.

Kasama rin sa cast sina Angel Aquino, Allan Paule, Ms Rustica Carpio, Mercedes Cabral, Neil Ryan Sese, Kristofer King, Maria Isabel Lopez, Lauren Novero, Che Ramos, Madeleine Nicolas, etc.

May special participation din sa Prey sina Coco Martin, Joel Torre, at Ms .Anita Linda. Dapat sana ay full length ang role ni Coco, pero tumanggi ito dahil nga sa bagong teleserye nito sa Dos.

Pero tila hindi “matiis” ni Coco ang hindi mapasama sa obra ng kanyang mentor na si Direk Dante at mabuti’t nagawan rin ng paraan ng manager nitong si Biboy Arboleda ang maipagpaalam sa taping si Coco to be part pa rin ng pelikula.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.