Mag-ate, ginawang parausan ng tatay

 

NAHAHARAP NGAYON sa kasong Rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang isang ama ng tahanan makaraang makakuha ng pagkakataong makatakbo at ireklamo sa Police Community Precint-7 ang panununtok ng suspek sa dalawang biktima sa Brgy. Minuyan, San Jose del  Monte City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Alejo Santos, kinilala ang nadakip na suspek na si Rolando Cantor Y Asistol, 36 anyos, tubong Quezon City. Samantala, kinilala naman ang magkapatid na itinago sa mga pangalang Rose, 15; at Tintin, 10 anyos.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, huling naganap ang tangkang panghahalay sa magkapatid nito lamang nakaraang Nobyembre 17, 2012 dakong alas-10 ng gabi sa loob ng kanilang  bahay.

Ayon sa magkapatid, sinuntok umano sila sa sikmura, bago tinadyakan sa hita nang tumanggi ang mga ito sa nais ng kanilang ama na sila’y halaying muli habang wala ang kanilang ina. Dahil sa takot, agad silang humingi ng tulong sa mga pulis sa dahilan upang agad na madakip ang suspek.

Nabatid sa magkapatid na nasa edad 5 at 7 nang simulan umano silang gahasain ng kanilang ama, kung saan nagaganap ito sa tuwing wala ang kanilang ina, at binantaan silang huwag magsusumbong kahit kanino dahil mananagot sila rito.

Ani Rose,hindi na nila makayanan ang pambababoy ng kanilang ama sa kanya at sa nakababata nitong kapatid.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.