Mag-ate, ‘di nag-uusap Cristine Reyes at Ara Mina, may matinding tampuhan!

BAKIT KAYA tuwing may labang pinaghahandaan si Manny Pacquiao, la-ging may mga isyu siyang hinaharap?

Kamakailan lang nasangkot siya sa isyu sa BIR, ngayon naman may bagong kaso na naman daw na kung saan damay itong Manny Pacquiao Foundation niya!

Hindi pa raw nakapagbayad ang kanyang foundation sa mga goods na pinadala galing Amerika papunta sa ating bansa.

Naka-hold daw ‘yun dahil kai-langang bayaran daw niya ng mahigit 36 million dollars.

Tingin ko naman kasi diyan, walang kinalaman diyan si Manny kundi kagagawan lang ito ng mga tao niya na napabayaan.

Ang masama lang diyan kasi, ang pangalan ni Manny ang nakataya at siya na naman ang napasama.

Kailangan daw ma-settle ito ng foundation niya para ma-release ‘yung cargo na pinadala.

Kahapon lang lumabas ang balita at nasa General Santos City pa si Pacman dahil naghahanda na itong mag-training sa Baguio.

Alam ko, aakyat na ito ng Baguio sa susunod na linggo kaya roon na muna siya naka-focus.

Ang naapektuhan ay ang mga taong malapit kay Manny dahil nakikita naman daw nilang malaki na ang ipinagbago nito, pagkatapos maglalabasan pa ang mga ganitong balita.

Hindi na lang daw nagpapaapekto ang ating Pambansang Kamao dahil high pa ito sa pagba-Bible study at kailangan niyang mag-focus sa training.

Dapat ayusin na lang ito ng mga tao niya para hindi na lumaki ang isyu.

NABALITAAN KONG may tampuhan na naman daw ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes.

May interview si Ara kamakailan lang na inamin niyang hindi sila okay ng kapatid niyang si Cristine.

Sinasabi na lang daw niyang sana patuloy lang daw na i-bless ni Lord si Cristine dahil maganda ang takbo ng career nito.

Pero may sinasabi rin si Ara na huwag lang daw sana umakyat sa ulo ni Cristine ang tagumpay na tinatamasa nito ngayon.

Matagal na raw silang walang komunikasyon, pero nitong nakaraang Holy Week daw ay nagti-text daw sa kanya si Cristine, pero ayaw namang sabihin ni Ara kung ano ito. Mabuting si Cristine na lang daw ang tanungin.

Hindi kaya sila itong tinutukoy sa blind item na tinalakan ng sikat na aktres ang pamilya niya?

Wala pa namang sinasabi si Cristine tungkol sa isyung iyan. Ewan ko kung sagutin niya ang mga sinabi ng ate niya dahil halata talaga itong may tampo sa kanya.

Mapapanood pala sa Startalk ang kabuuan ng kuwentong ito. Abangan n’yo na lang bukas.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Mag-ate, ‘di nag-uusap Cristine Reyes at Ara Mina, may matinding tampuhan!

  1. MGA BABAENG EWAN!!! ISANG BOLD STAR AT ISANG STARLET NA NAGPAPANGGAP NA TELESERYE QUEEN,,,MAG BOLD NA LANG KAU…KAKAUMAY KA CRISTINE AT PIOLO!!!WA KWENTA,,,SANA ILIPAT KAU SA PANG HAPON,,,KASI MAS BAGAY KUNG AKOY IIWAN MO SA PRIME TIME!!!

  2. baka naman naiinggit lang si matronang ara mina kay starlet christine kasi mas sikat sya sa kanya at hindi naranasan ni matronang mina ang magkaroon ng sariling teleserye o ng non bold movie? hahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.