Mag-asawang Tulak, Ni-Raid; Mister, Nakatakas

NI-RAID NG Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 6 ang tirahan ng mag-asawang drug pusher sa Brgy. Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City.

Ang mag-asawa ay kinilalang sina Agusto Penecilla at Anna Prevendido Penecilla.

Nakuha sa mga ito ang ilang sachet ng pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o Shabu, mga bala ng shot gun at .45 caliber pistol, cellphone, mga alahas at vault na may laman na mahigit P28,000 na cash.

Sinabi ni PDEA Reg. 6 officer-in-charge Atty. Ronnie Delicana na matagal nang nasa watchlist nila ang mag-asawa at itinuturing na isa sa mga malalaking drug personality.

Isang buwan aniya ang naging surveillance sa subject bago isinagawa ang raid kahapon ng umaga.

Samantala,nahuli naman ng PDEA ang babae habang nakatakas ang mister nito.

Sa ngayon, kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa mga ito habang tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag ang abogado ng mag-asawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.