Mag-asawang Tulak, Laglag

NALAGLAG SA kamay ng batas ang isang mag-asawang tulak habang aktong nagbebenta ng Marijuana sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ang mag-asawang suspek ay nakilalang sina Edgar Gonzales, 28, at ang asawa nitong si Veronica, 22, pawang residente ng Phase 1-B, North Bay Boulevard South.

Base sa ulat ng Navotas PNP, dakong alas-10 ng gabi kamakalawa nang madakip ang mag-asawa sa kahabaan ng Phase 1-B, NBBS.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga barangay tanod sa nasabing lugar na nagbebenta ng Marijuana ang mag-asawa.

Habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga barangay tanod, naaktuhan ng mga ito ang mag-asawang suspek na hayagang nagtutulak ng nasabing droga.

Kaagad na inaresto ang mga suspek at nakumpiska sa mga ito ang hindi nabilang na piraso ng Marijuana.

Ang mag-asawa ay nakapiit ngayon sa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya at inihahanda ang kasong Drug Pushing.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.