Mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde, super proud kay Arjo Atayde

Sylvia-Sanchez-Arjo-Atayde-Art-AtaydeMASAYA AT super proud ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde sa papagandang showbiz career ng kanilang anak na si Arjo Atayde.

Matapos mapansin ang galing ni Arjo sa paglabas niya sa Maalala Mo Kaya ay binigyan na siya ng serye with Alex Gonzaga sa remake Korean series na Pure Love.

Pero hindi nakaligtas si Sylvia sa intriga na isa raw stage mother kay Arjo dahil lagi nitong sinasamahan at pinakikialaman ang bawat lakad ng anak?

Napangiti at hindi naman nagalit si Sylvia nang makarating sa kanya ang isyu at kaagad na nilinaw na hindi siya stage mother at lalong hindi niya pinakikialaman ang schedule ng anak.

Ayon kay Sylvia, guidance lang ang ibinibigay nilang mag-asawa kay Arjo at hindi para pakialam ang bawat lakad ng anak. Ang Star Magic ang namamahala ng schedule ni Arjo. Maging ang kinikita ni Arjo ay sarili nito at hindi pinakikialaman ng kanyang magulang.

“Ang Star Magic ang namamahala ng showbiz career ni Arjo. Kami, bilang magulang ay nagga-guide lang sa kanya para hindi malihis ng landas. Nasa bangko ang lahat ng kinikita niya at nakapangalan sa kanya. Hindi namin ‘yun pinakikialaman,” say ni Sylvia.

Samantalang hindi naman itinanggi ni Sylvia na siya ang nagluluto ng pagkain na madalas dalhin ni Arjo sa taping ng Pure Love. Masarap kasi siyang magluto at may resto sila na mismong si Sylvia ang namamamahala pagdating sa specialty food na inihahain nila sa resto.

Pero dahil nga sa sobrang busy na rin niya at ngayon ay isa na ring artista ang kanyang anak na si Arjo, minabuti nilang ibenta na lang ang resto para mabigyan ng tamang atensyon ang mga kapatid pa ni Arjo at husband na si Sir Art.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde, super proud kay Arjo Atayde

  1. PROUD SILA DAHIL MAY BOLITAS SA TITING BURAT ANG JUNAKES NA ANAK NILANG MUKHANG BEKING PAMINTA NA MANYAKIS

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.