Mag-asawang sasamba, nag-suicide

PALAISIPAN PA rin sa kamag-anak ng mag-asawa ang motibo ng pagpapakamatay ng mga

ito sa Brgy. Matina, Davao City.

Kinilala ang mga biktima na sina Alex Cresostomo, 40-anyos, salesman; at Eden, 20 anyos, residente sa Sitio Sto. Niño, Matina, Davao City.

Sa ulat na nakara-ting sa Camp Crame, nagulantang ang isa sa kamag-anak ng mag-asawa nang matagpuang bumubula ang bibig ni Eden na nakahiga sa sahig habang nakabitin sa kisame si Alex gamit ang nylon cord pasado alas-6 ng gabi kamakalawa sa kanilang inuupahang bahay.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, sasamba sana ang dalawa na pawang miyembro ng Jehovah’s Witness subalit sa halip na dumiretso sa kanilang kapilya ay parehong nagpakamatay.

Nadiskubre ang pagpapakamatay ng dalawa nang magtaka ang kanilang kapatid sa kongregasyon kung bakit hindi nakita sa kapilya ang dalawa.

Isa sa kamag-anak ng mag-asawa na si Cherrie Rose Encarnacion Cresostomo, 20-anyos ang nakatagpo sa mga bangkay ng dalawa.

Ayon kay  Supt. Deonesio Abude, hepe ng Tolomo PNP, nasa walong oras nang patay ang mag-asawa bago pa ito matagpuan ng kanilang kapatid sa pananampalataya.

Sinabi naman ng kaanak ng mga biktima na wala silang nalalamang problema ng mag-asawa lalo na’t wala namang mga anak ang mga ito para mahirapan sa pamumuhay.

May nakita ring suicide note ang mag-asawa na humihingi ng tawad sa kanilang mga nagawang kasalanan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad kung talagang nag-suicide ang dalawa o may foul play sa insidente.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Mag-asawang sasamba, nag-suicide

  1. Baka ang Jehovah’s witnesses ang dahilan.. Ka si pag aalis kasi ang Tao sa relehiyong yan tinatakot nila o pinapatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.