Mag-asawang Pekeng Optometrist, Arestado

 

HINDI NA nagawang makatakas pa sa mga awtoridad ng isang mag-asawa na umano’y espesyalista sa mata kamakalawa ng umaga sa Brgy. Marungko, Angat, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Arwin M. Tadeo kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga dinakip na suspek na sina Eduardo Sanggalang Y Cunanan, 52 anyos, at asawa nitong si Rosalie Sanggalang Y dela Cruz, 45 anyos, residente ng Brgy. Sto. Cristo, Baliuag, Bulacan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9 ng umaga nang arestuhin ang mag-asawa habang nagbibigay ng libreng konsultasyon sa nabanggit na barangay sa temang “Sagip Silip sa Mata, Lente Lang Ang May Bayad”.

Inaresto ang  dalawa makaraang maghain ng kaukulang reklamo ang isang certified Optometrist na si Gng. Felicitas Gallardo Y Nieto, 47 anyos, may-asawa, miyembro ng Integrated Philippines Association of Optometrist – Bulacan Chapter, residente ng Brgy. San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.

Nabatid na kapwa walang lisensya sa panggagamot sa mata ang mag-asawa, kung saan maliwanag na nilabag ng mga ito ang RA 8050 na Revised Optometry Law of 1995.

Kasabay nito, kinumpis-ka mula sa kanila ang iba’t ibang gamit sa panggagamot sa mata, mga Ophthalmic lenses at frames, kabilang na rin dito ang tricycle na may plakang CP-1233. Bukod dito, dati na rin itong nakulong sa Bocaue Jail noong October 4 2010 sa sala ng Branch-14 ng Malolos Regional Trail Court sa kaparehong kaso.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.