Mag-asawang negosyante, pinakawalan na ng mga kidnapper

PINAKAWALAN NA NG mga hinihinalang miyembro ng Pentagon kidnap group ang mag-asawang negosyante na dinukot sa Maguindanao, noong Lunes.

Kinilala ang mga ito na sina Habib at Nora Dicay, residente ng Barangay Poblacion sa bayan ng Parang sa naturang lalawigan.

Ang dalawa ay dinukot sa Sitio Kamo 2 sa Barangay Sarmiento sa bayan ng Matanog.

Ayon kay Matanog Mayor Nasser Imam, pinalaya ang mag-asawa matapos ang kanilang pakikipagnegosasyon at walang binayarang ransom.

Sinabi naman ni Maguindanao Police Director, Sr. Supt. Marcelo Pintac, awayan sa pamilya ang motibo sa kidnapping, subalit tumangging idetalye ito. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.