Mag-asawang negosyante, dinukot sa Sulu

ANIM KATAO ANG itinurong dumukot sa mag-asawang negosyante sa bayan ng Jolo sa Sulu kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinarating ni Dir. Felicisimo Khu ng Directorate for Integrated Police Operations sa Western Mindanao, kinilala ang mga biktima na sina Jose Batronel, 57-anyos at misis na si Rosely, 37.

Kasama ng mag-asawa ang kanilang pahinante na si Julie Latorre sa kanilang bahay sa Barangay Walled City nang pasukin sila ng mga suspek alas-8:00 ng gabi.

Lumabas sa imbestigasyon na isa sa mga suspek ay nagpaputok dahilan para matakot ang tatlo at kaladkarin para makasakay sa naghihintay na kulay pulang Tamaraw Jitney na walang plaka.

Gayunman, nagawang lumundag ni Latorre at nakatakas habang idineretso ng mga suspek ang sasakyan patungong Gandasuli Road.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang basyo ng bala at isang bullet slug na may kalibre .45 habang nasa kustodya ng pulis si Latorre.  (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.