Mag-asawang Napoles, kinasuhan ng tax evasion

KINASUHAN NA ng tax evasion ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at asawa nitong si Jaime Garcia Napoles.

Inanunsyo ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang pagsasampa ng kaso kay Janet dahil sa P44.68 milyong kakulangan sa buwis.

P16.43 milyon naman ang tax liability ng asawa nitong si Jaime.

Sinabi pa ni Henares na kinasuhan ang mag-asawa sa pag-iwas sa pagbabayad ng buwis sa mga taong 2004, 2006, 2008, 2009, 2010, 2011 at 2012.

Sinampahan din ng kaso si Ginang Napoles dahil sa maling impormasyon na isinaad sa income tax return (ITR) noong taong 2004, 2006, 2008 at 2009 at kabiguang maghain ng ITR noong 2010, 2011 at 2012.

Ang mister naman nito’y mali ang isinaad na impormasyon sa 2009 ITR at walang ITR para sa mga taong 2004, 2006, 2008, 2010, 2011 at 2012.

Ayon naman sa BIR chief, ito’y base lamang sa mga ari-ariang nakapa-ngalan sa mag-asawang Napoles. Unang kaso pa lang din anya ito.

Puwede pang mabago ang tax liability sa oras na matapos ang kanilang pagsisiyasat sa mga korporasyon ng mag-asawa.

Samantala, posible ring makasuhan ang mga anak nina Janet at Jaime, gayundin ang mga umano’y ginamit na tauhan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.