Mag-asawang magsasaka, pinaulanan ng bala

KASALUKUYANG NAKIKI-PAGLABAN kay kamatayan ang mag-asawang magsasaka makaraang paulanan ng bala ng tatlong kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dungo sa bayan ng Aglipay, Quirino kamakailan.

Base sa report na ipinalabas ni P/Chief Supt. Rodrigo De Gracia, regional PNP director, ang mga biktima ay kinilalang sina Erickson Tuquero, 27; at Melanie Tuquero, 22.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Ernesto Ramirez, 47; Mario Paragas ,45; at si Flor Paragas, 47, pawang magkakamag-anak.

Bukod sa panloloob ay sinisilip din ng mga kinauukulan ang anggulong may kaugnayan sa alitan sa lupang sinasaka ng mag-asawa ang ginawang pamamaril ng mga salarin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.