Mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, kinaiinggitan!

MAY MGA TAONG itinadhana talaga para sa isa’t isa. Sino ang mag-aakalang hahantong sa kasalan sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo who first met when they did the fantaserye Krystala? After their engagement during Juday’s 30th birthday celebration at the Antulang Beach Resort in Dumaguete City, Negros Oriental, Juday and Ryan were wed in a very private and solemn wedding na ginanap sa San Juan Nepomuceno Church in San Juan, Batangas. The couple now has two wonderful kids Yohan and Lucho. 

Marami tuloy ang naiinggit sa showbiz couple because they seem to have a perfect relationship. Sa kabila kasi ng pagiging a-bala nila sa kani-kanilang careers ay pareho pa rin nilang nagagampanang mabuti ang kanilang mga tungkulin bilang mga magulang.

Pero aminado sina Juday at Ryan na hindi perpekto ang kanilang relasyon. Juday said, “Sa totoo lang wala namang ideal na relationship. Lalo na sa pagiging mag-asawa. It’s a work in progress.” Dagdag ni Ryan, “Hindi naman kami perfect. Marami rin kaming dinaraanang problema. Marami ring issue.”

Paliwanag pa ni Juday, “Hindi siya happy package na sinasabi mo na ‘pag nag-asawa ka it’s happy, happy all the way. It’s not that. Paano naman kayo magiging responsableng mag-asawa at paano ninyo malalaman iyong mga bagay na hindi at dapat ninyong gawin kung hindi kayo magkakaroon [ng] issue?”

Tama si Juday. It’s a conjugal effort between husband and wife to make their marriage work. ‘Ika nga, it takes two to tango. Kung hindi nila kayang sabayan ang ritmo ng buhay ay paano sila magtatagumpay sa mga dumarating na pagsubok sa kanilang pagsasama? Life is not a bed of roses after all. But there are perfect moments.

Sinabi noon ni Juday na sa tingin niya ay isang third party ang maaa-ring makasira sa isang pagsasama. “Iyon ang isa talagang malaking bagay na kung ma-resolve man ay may lamat na.”

Sa isang panayam dati ay tinanong naman si Ryan kung magagawa ba niyang mambabae at sinabi niyang sisikapin daw niyang hindi. Oo naman. Ano pa ba ang hahanapin niya sa isang tulad ni Juday na isang mapagmahal na asawa at ina? A hands-on mom, she even sacrificed her career by taking a break from showbiz after giving birth para mabantayan at mabigyan ng hustong atensyon ang kanilang mga anak.

Ryan left a heartfelt message for Juday, “Sweetheart, salamat at hindi mo pa ako sinosoli sa magulang ko hanggang ngayon. Magda-dalawang taon na tayo mahigit. Salamat sa pagiging pasensyosa, maalaga at perpektong ina at asawa. Sana hindi ka magsawa. Ako ang bahala kapag may problema.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “Mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, kinaiinggitan!

  1. when will you return to be KRYSTALA … I missed your action there and many of us requesting to KRYSTALA to be televise again over ABS CBN … I missed also HARIMON,LUMINAX,SUPER-Z,TERACCOTA,KABAGONA,LIKIDO,MOKONG,LOVER BOY, and so on.. babalik ang KRYSTALA please SALAMAT PO NG MARAMI KONG BABALIK. kasi ang DARNA sa GMA ilang beses ng pabalik balik dapat KRYSTALA na din mas maganda ang costume haha … I like your costume there miss Juday.. CAGAYAN VALLEY po ito…

  2. Nakakaingit talaga ang couple na ito. Just continue working your marriage ,and embrace the challenges of life. God bless!

Leave a Reply

Your email address will not be published.