Mag-asawang Intsik, Hinoldap; P50k Natangay; 1 Sugatan

PATULOY ANG pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nangyaring robbery-hold-up sa mag-asawang negosyanteng Intsik sa Barangay Sinco, Daet, Camarines Norte pasado-alas 7:00 kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni PO3 Ryan Morales na kinilala nito ang mga biktimang sina Wen Sang Hong at Sofia Chua, may-ari ng FS Merchandising sa naturang bayan.

Ayon kay Morales, ga-ling umano sa kanilang tindahan ang mag-asawa at papasok na sana sa kanilang tahanan nang biglang lapitan ng dalawang hindi pa matukoy na salarin na nakasuot ng bonnet at camouflage na jacket saka nagdeklara ng holdap.

Tinutukan umano ng baril ng mga armadong salarin si Hong subalit aksidenteng pumutok ito na naging daan upang tamaan ito sa ulo.

Samantala, agad na naisugod sa pagamutan si Hong matapos magsitakas ang mga suspek dala ang perang nagkakahalaga ng P50,000.

Bagama’t nananatili pa sa Camarines Norte Provincial Hospital, tiniyak ng PNP na nasa ligtas ng kalagayan si Hong habang pa-tuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nakatakas na kawatan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.