Mag-asawang Arroyo, kakasuhan na sa korte

IAAKYAT NA SA korte ng Department of Justice (DoJ) ang kasong tax evasion na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban kina dating presidential son at Ang Galing Pinoy Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo at asawang si Angela Montenegro-Arroyo dahil sa hindi pagbabayad ng buwis simula taong 2004 hanggang 2009.

Batay sa DoJ resolution, kinakitaan ng probable cause ang usapin kaya marapat na iakyat sa hukuman ang nasabing reklamo.

Pinagbabayad naman ng BIR ang mag-asawa ng P73.85 milyon bilang aggregate tax liabilities para sa kanilang mga hindi nabayarang buwis.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng BIR na ang mag-asawa ay may pag-aaring bahay sa Amerika, sa La Vista Subdivision sa Quezon City, at sa Lubao, Pampanga.

Isang beses lang din umano nagbayad ng buwis si Angela at ito ay noong 2004 sa kabila ng deklarasyon na mayroon silang mga assets.

Ang mag-asawang Mikey at Angela ang pang-37 na sa mga kinasuhan sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mag-asawang Arroyo, kakasuhan na sa korte

Leave a Reply

Your email address will not be published.