Mag-asawang aktor at aktres, inampon ang sariling anak!

NAKATUTUWA NAMAN ang nangyari sa mag-asawang aktor at dating “teen” actress. Bago pa sila noon ikinasal eh, meron na silang “adopted child”. Tapos nga, nu’ng nagkaroon na sila ng sariling baby, eh ‘di dalawa na, ‘di ba?

Isang adopted at isang biological baby.

Pero may kuwento sa likod ng “adopted baby” nila. Ang naturang baby ay produkto ng isang kilalang couple.

At alam n’yo ba kung sino ‘yung couple na ‘yon? Hahahaha! Eh, ‘di sila rin.

Na-shock ba kayo? ‘Wag na kayong ma-shock dahil ayon sa aming source, ‘yun ang totoo. Itatanong n’yo ngayon kung paano nangyari ‘yon? Nanganak sa ibang bansa ang aktres, pero walang nakaalam, dahil nga may karir pa siyang babalikan noon.

Pero ngayon ay full-pledged mom na lamang siya ng dalawa nilang anak at sabi naman ng aming source, masaya naman ang dalawa, dahil sila rin ang nagkatuluyan sa bandang huli.

‘Wag na kayong manghingi ng clue, basta let’s be happy for them. Hehehehe.

By Ogie Diaz

 

loading...

12 thoughts on “Mag-asawang aktor at aktres, inampon ang sariling anak!

  1. kristine and oyo…kamukha nila yung batang lalake na ampon kuno.kamukha ni oyo…bago pa sila ikasal matagal tagal na di lumalabas sa tv si tin.try nio isearch para makita nio mukha.

  2. kung si Kristine yun, bakit di man lang na-tsismis na nabuntis at nanganak sya tulad ng ibang nagpupunta sa abroad na mga artista?

  3. This is kristin hermosa and oyo. The word “teen” was in quotation marks and it sounds like her nickname “tin”. Also, she has relatives in Canada.

Leave a Reply

Your email address will not be published.