Mag-asawa, Tumilapon sa Tricycle; Patay

 

TUMILAPON ANG mag-asawa at namatay matapos na sumalpok ang sinasakyang tricycle sa pampasaherong bus sa Del Rosario, Naga City pasado ala-4 ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Alona at Bartolome Babylonia. Pauwi na umano ang mag-asawa ga-ling sa pamamalengke sa bayan ng Pili nang mag-overtake ang isang sasakyan na naging dahilan upang magpang-abot ang sinasakyang tricycle at Alps bus na minamaneho ng drayber na si Arturo Araneta patungong Tabaco, Albay.

Nabasag ang bungo ng mag-asawa sa lakas ng pagkabangga nito. Sumuko naman agad ang drayber ng bus sa mga awtoridad. Patuloy pa rin sa pag-iimbestiga ang mga awtoridad sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.