Mag-asawa, Tumangay ng Aabot sa P100-M

TINATAYANG P100 milyon ang halaga ng nalokong pera ng mag-asawang suspek mula sa mga magulang at guro ng isang elementary school sa Fairview, Quezon City.

Umupa umano ng tindahan sa tapat ng eskuwelahan ng Fairview Elementary School ang mag-asawa na sina Janet at Danilo Gujilde, taong 2011. Bukod sa tindahan, nagsusuplay rin umano sila ng gamit sa isang hotel sa Cebu.

Nahikayat ang mga guro at magulang pati iba pang kaanak na mag-invest sa negosyo ng mag-asawa dahil sa malaking interes. Diumano, limang porsiyento kada linggo ang tubo.

Inutang pa ng Pamilya Rullan, ang P1.2 milyon na kanilang pinuhunan sa mag-asawa Gujilde.

Bigla na lang daw nawala ang mag-asawa nang umabot sa P50-P100 milyon ang nakolekta ng mga ito. Bond paper at notebook lamang ang naiwan at hawak ng mga biktima na patunay ng kanilang naibayad.

Nagsampa ng estafa ang biktima laban sa mag-asawang Gujilde na nalamang may parehong kaso rin sa Maasin, Southern Leyte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.