Mag-asawa, Todas; Anak, Kritikal sa Taga

PATAY ANG mag-asawa habang kritikal naman isa nilang anak sa nangyaring  pananaga sa Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Emelina at Isidro Damiano.

Nabatid na malapit sa kanilang pamilya ang salarin na si Rolando Flor na hanggang ngayon ay hindi malaman kung ano ang nagtulak upang gawin ang pananaga.

Nakatakda sana umanong maghapunan ang pamilya Damiano nang biglang pumasok sa bahay si Flor dala ang itak at walang habas na pinagtataga si Isidro at isinunod naman si Emelina.

Ang sumaway na si Edelina, anak ng mag-asawa ay nadamay pa at nataga rin sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ngayon ay nananatiling kritikal sa pagamutan.

Maswerte namang nakaligtas sa pananaga ang isa pa nilang anak na si Emerlina.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng mga kinauukulan ang suspek na agad tumakas matapos ang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.