Mag-asawa, Tinusta sa Loob ng Bahay

PATAY ANG mag-asawa matapos sunugin sa loob ng kanilang sariling bahay sa Taytay, Palawan, kamakailan.

Kinilala ang mga biktima na sina Juanito at Amanda Avila, 68-anyos.

Sinabi ni Police Insp. Earl Marzo, tagapagsalita ng Palawan Police Provincial Command na mismong anak ng mga biktima ang nag-report sa krimen na hindi kalayuan sa bahay ng mag-asawa.

Nakakalap na umano ng mga ebidensya ang mga imbestigador na magpapatunay na sinadya ang pagsunog sa dalawa at sa tirahan ng mga ito.

Sinisiyasat naman kung pinaslang muna ang mag-asawa bago sinunog dahil sa magkakahiwalay na ang parte ng labi ng mga ito nang matagpuan sa natupok na bahay.

Samantala, inaalam pa ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.