Mag-asawa, Timbog sa Buy-Bust

 

ARESTADO NG Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) Region 12 ang mag-asawa na nagbebenta ng Shabu sa buy-bust operation sa General Santos City.

Ayon kay PDEA spokesperson Vince Lachica, na-kilala ang mga dinakip na sina Samim, 43, at Besla Alon, 25, kapwa walang trabaho at nakatira sa Barangay Poblacion, Ampatuan, Maguindanao.

Isinagawa ang buy bust operation sa Isulan Central Pilot School sa National Highway, Isulan, Sultan Kudarat.

Nakuha mula sa mag-asawa ang dalawang sachet ng Shabu, isa nito ay tumimbang ng limang gramo na nagkakahalaga ng P30,000 hanggang P35,000.

Ang dalawa ay nakakulong na sa PDEA sa GenSan at inihanda na ang kasong paglabas sa section 5 at section 11 ng Republic Act 9165 o Illegal Drugs.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.