Mag-asawa, Patay sa boga

PATULOY PANG inaalam ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pagpaslang sa isang mag-asawa kamakalawa ng gabi sa Sagay City, Negros Occidental.

Sinabi ni C/Insp. Gabriel Gutierrez, hepe ng Sagay City Police Station na wala umanong rekord sa pulisya na may nagbabanta sa buhay o kaya ay may reklamo laban sa mga biktimang sina Ronilo Pacheo, 44, at asawang si Amelita Pacheo, 45, ng Sitio Cubay, Brgy. Bato.

Sa ngayon ay description pa lamang ng suspek ang kani-lang nakuha base  sa pahayag ng testigo sa krimen.

Napag-alaman na binaril ang mag-asawa dakong alas-8:00 kamakalawa ng gabi habang nakatayo sa labas ng kanilang bahay sa pamamagitan 9mm caliber pistol.

Nagtamo ang mga ito ng malubhang tama sa likod at dibdib na na-ging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Samantala, na-recover naman sa pinangyarihan ng krimen ang pitong empty shells at isang deformed slugs ng baril.

Lumalabas pa sa salaysay ng testigo, nag-

iisa at naglalakad lamang ang suspek sa kanyang pagtakas matapos magawa ang pagpatay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.