Mag-Asawa, Patay Sa Ampon

WALANG UTANG NA loob!

Ito ang hinagpis ng mga kaanak ng mag-asawang pinaslang ng kanilang ampon sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktimang sina Crispina Villamor, 77, at Francisco Villamor, 76, ng Bgy. Mahalam.

Sinabi ni PO3 Myra Entiera ng Himmayalan City Police Station, nadatnan na lamang ng mga pulis na duguan ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay kahapon matapos nakatanggap ng report na may hacking incident sa lugar.

Wala na umanong buhay ang ama dahil sa tinamong taga sa leeg na muntik ng maputol.

Samantala, naisugod pa sa pagamutan ang ina ngunit binawian din ng buhay dahil sa malubhang sugat sa ulo at likod bunga ng inabot na saksak at taga ng kanilang ampon na si Loreto Moises y Rendon, 31.

Sinasabing drug addict umano ang suspek kung kaya nagawa nito ang karumal-dumal na krimen.

Arestado naman si Loreto habang nagtatago sa kanilang kapitbahay.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.