Mag-asawa patay makaraang magtalo

PANGASINAN – NAUWI SA kamatayan ang matinding pagtatalo ng isang mag-asawa sa bayan ng Mabini.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, unang binaril ni Dionesio Bermudez ang kanyang misis na si Sheila sa kanilang tahanan sa Bgy. Bellacuarta.

Unang nagtalo ang dalawa sa hindi malamang dahilan pasado alas-8:00 ng gabi na humantong sa pamamaril.

Ayon kay Mary Loyola, hindi nila narinig ang pag-aaway ng kanyang mga magulang dahil malakas ang tunog ng radyo.

Makaraang mapatay ni Dionesio ang asawa, siya naman ang nagbaril sa sarili. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.