Mag-asawa, Nilikida

DEAD ON the spot ang isang mag-asawa makaraang pag-

babarilin ng riding-in-tandem,habang naglalakad papauwi sa kanilang taha-nan kagabi sa Brgy. Pinaod, San Indelfonso, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dale Soliva kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nasawing biktima na sina Municipal Engineer Ramil Daniel, 41 anyos, at asawa nitong si Chritine Valmadrid Daniel, 40 anyos, residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-12 ng ha-ting gabi nang maganap ang pamamaril sa mag-asawa, na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril mula sa kalibre 45.

Nabatid na iginarahe ng mag-asawa ang kanilang sasakyan sa bahay ng kanilang kaibigan, ilang metro lang ang layo mula sa kanilang bahay. Kung saan bigla na lamang sumulpot ang mga suspek, lulan ng motorsiklo, at walang sabi-sabing pinaputukan ang mag-asawa habang naglalakad papauwi ng tahanan.

Ayon sa ilang mga saksi,nakasuot ng kulay puti at dilaw na mga T-shirt  at naka-shorts na maong ang bumaril sa mga biktima, kung saan mabilis na tumakas mga suspek patungo direksyon ng Brgy. Sapang Putol.

Ayon naman sa kaanak ng mga pinaslang, walang kaaway o kaalitan ang mag-asawa. Samantala, sinisilip naman ng mga pulis kung may kinalaman sa pag-ambush ang trabaho nito bilang Municipal Engineer ng SanI ldefonso.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.