Mag-asawa, Natangayan ng Mahigit P700,000

PATULOY ANG ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nangyaring panghoholdap sa mag-asawa sa Baao, Camarines Sur.

Ayon kay PO3 Tom Contreras, nakilala ang mga biktima na sina Welby at Eula Bisana ng Iriga City.

Pauwi na sana ang mga biktima matapos mag-withdraw sa Land Bank sa lungsod ng Naga nang biglang parahin ng dalawang lalaki ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep.

Tinutukan umano ng mga ito ng baril ang driver ng jeep at saka pwersahang kinuha sa mag-asawa ang pera na nagkakahalaga ng P796,000 at agad na tumakas lulan ng isang motorsiklo.

Paniwala naman ng pulisya, matagal nang minamanmanan ng mga holdaper ang dalawa lalo pa’t ito na ang pa-ngatlong beses na kumuha ng ganoon kala-king halaga ang dalawa sa bangko.

Samantala, nabatid rin na pag-aari ng kapatid ni Eula na nagtatrabaho sa Qatar ang pera at ipinagkatiwala lamang dito upang i-pambayad sana sa ipinapagawang bahay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.