Mag-asawa, kulong sa pagkadena sa anak

KULONG ANG isang mag-asawa matapos igapos ng kadena ang neneng anak sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mag-asawa na sina Reynaldo Delbo, 42; at Maritess, 40 kapwa ng D. Aquino St., ng lungsod.

Sa ulat, alas-6 ng umaga nang puntahan ng mga pulis kasama ang empleyado ng Caloocan City Social Welfare and Development ang bahay ng mag-asawa matapos makatanggap ng impormasyon na ikinadena ang anak na nene na 12-anyos.

Sa utos ng mga pulis ay pinakawalan ni Reynaldo ang anak bago dinala sa presinto ang mag-asawa kung saan inaalam na kung ang ano ang dahilan upang ikadena ang anak.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.