Mag-asawa, Kinatay ng Magsasaka

NADAMAY SA kinasasangkutang hidwaan ng kanilang anak ang mag-asawa na walang habas na pinagtataga ng kanilang kapit-bahay na magsasaka hanggang sa mapatay sa Barangay Cattaran, Solana, Cagayan.

Kinilala ni PO2 Evangelito Baccay Jr. ang mga biktima na sina Rodolfo Cabasag, 60; at Gaudencia Cabasag, 57, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Samantala, nasakote naman ang salarin habang nagpapagamot sa pagamutan na si Alberto Batang, 47.

Nabatid na rumesponde lamang si Batang sa nagaganap na sunog sa abandonadong bahay sa compound ng mag-asawang Cabasag  subalit sinugod siya at pinagtataga ng lalaking anak ng mag-asawa na si Fernan Cabasag.

Samantala, kahit sugatan ay nakatakbo at kumuha ng gulok si Batang sa kanilang bahay kung saan nang bumalik ay wala na si Fernan kaya ang pinagbalingan nito ay ang mag-asawa na nagtangka rin sa kanyang buhay.

Sa ngayon, base sa tala ng mga awtoridad, si Fernan ay sinasabing may nakabinbing warrant of arrest sa kasong kriminal laban sa isa pang kapit-bahay habang patuloy na tinutugis ang anak ng mag-asawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.