Mag-asawa, hinoldap; mister, patay

MASAKLAP ANG inabot ng mag-asawang hinoldap nang mamatay ang mister makaraan itong pagsasaksakin ng mga kawatan sa bayan ng Echague, Isabela.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawing si Alejandro del Rosario, 69 anyos ng Brgy. Silauan Norte habang masuwerteng nakaligtas ang misis nitong si Maria Cristina, 42 anyos.

Ayon kay SPO3 Marcos Vinuya, chief investigator ng PNP Echague, pauwi na sa kanilang tahanan mula sa palengke ang mag-asawa nang harangin ng mga dalawang hindi nakikilalang salarin saka tinutukan ng patalim.

Inagaw ng mga suspek ang dalang bag ng mag-asawa na pinaniniwalaang may lamang salapi.

Sinasabing nanlaban sa mga holdaper si Del Rosario kaya sinaksak siya ng maraming beses habang pinatakas nito ang kanyang misis.

Sa pagsisiyasat, aabot sa P15,000 cash ang laman ng bag na naagaw ng dalawang lalaki.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.