Mag-asawa at Anak, Patay sa Dinamita

PATAY ANG isang mag-asawa at ang kanilang anak habang apat pa ang sugatan sa pagsabog ng dinamita sa loob mismo ng kanilang bahay sa Zamboanga City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga namatay na sina Japnuka Subbani, asawang si Agsali at anak na si Pansidal.

Sugatan naman sina Pasig, Puja, Goa-Goa at Singa Agsali na isinugod sa Zamboanga City Medical Center.

Ayon kay Zamboanga City police provincial director, naganap ang insidente sa bahay ng pamilya sa Purok 4, Barangay Rio Hondo.

Nabatid na nagtatalo ang mag-asawa dahil nais na umano ng babae na makipaghiwalay subalit kinuha ng lalaki ang dinamita at sinindihan.

Agad sumambulat ang dinamita at napuruhan ang tatlo.        (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.