Mag-asawa at 1 pang tulak, timbog sa buy-bust

TATLONG KATAO NA kinabibilangan ng isang mag-asawa ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation hinggil sa talamak na pagbebenta ng mga ito ng ipinagbabawal na droga sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng District Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group (DAID-SOTG) ng Northern Police District (NPD) ay nakilalang sina Mariza Andrada 49 at ang mag-asawang sina Orlando Capuz 41 at Cristina Capuz 40, kapwa mga residente ng Anthurium St., NBBS, Navotas City.

Sa nakalap na impormasyon kay P/C Insp. Arnold Thomas Ibay. Hepe ng DAID-SOTG ng Northern Police District (NPD), dakong alas-4:45 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang mga awtoridad sa kahabaan ng Anthurium St., NBBS.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa talamak na pagbebenta ng mga suspek ng illegal na droga sa nasabing lugar na kadalasang nabibiktima ay mga menor de edad.

Dahil dito, nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar at ng maging positibo ang impormasyon ay agad na nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba laban sa mga suspek.

Isang pulis ang umaktong pusher buyer at nang aktong iabot na ng suspek na si Cristina ang apat na sachet na may lamang shabu kapalit ng P2,000 ng pulis ay agad na naglabasan ang mga nakakubling awtoridad at hindi na nakapalag pa ang suspek ng agad itong dinamba at inaresto.

Habang inaresto naman si Orlando na nagsilbing look-out sa asawa nito at si Andrada naman ay naaresto matapos makuhanan ng isang sachet na may lamang shabu nang kapkapan ng mga operatiba dahil sa kahina-hinalang kilos nito.                                               (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.