Mag-asawa; 2-Anyos na Anak, Kritikal sa Taga

KRITIKAL SA ospital sa General Santos City ang mag-asawa pati ang kanilang dalawang taong gulang na anak matapos pagtatagain ng hindi nakilalang suspek.

Ayon kay Daud Galagaran, CSU on duty ng General Santos City District Hospital, ang mga biktima na residente ng Datal Anggas, Alabel, Sarangani province ay inakyat sa kanilang bahay habang natutulog dakong alas-4 ng madaling-araw at pinagtataga.

Ang biktimang si Manilyn Ayaw, 20-ayos, ay nagtamo ng taga sa kanyang kaliwang bahagi ng ulo habang ang asawang si Botsoy, 24, ay nagtamo ng taga sa ulo at leeg habang ang kanilang anak na si Ronald, 2 taong gulang ay may taga rin sa ulo at baba.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa naturang krimen, kung saan blangko ang mag-asawa kung bakit sila pinasok ng suspek at pinagtataga.

Nabatid na pinagtatadyakan pa umano ang mga biktima matapos pagtatagain bago umalis ang suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.