Mag-anak, minasaker

PATAY ANG ISANG mag-anak makaraang pagtatagain habang natutulog sa San Pablo City, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Bai Rendon, 40 anyos, magsasaka; asawang si Maricel, 24 anyos; mga anak na sina Jay-Rem, 7; Jomari, 5; at ang sanggol na si Marijoy.

Ayon kay Laguna Police Director, Senior Supt. Gilbert Cruz, nakaligtas ang isa pang anak nina Rendon na si Margie, walong taong gulang makaraang gumapang palabas ng bahay.

Pinasok aniya ang mga biktima sa kanilang bahay ng mga suspek na sina Ernie Tambong, Sr. at Ernie Jr., alas-11:30 sa Purok Uno, Brgy. Sta. Filomena.

Paghihiganti aniya ang motibo sa pamamaslang dahil si Bai ang pinagbibintangan ni Tambong na pumatay sa kanyang kabayo.

Kasong multiple murder ang kinakaharap ng mga suspek.                                                              (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.