Mag-amang Malapitan vs Mag-amang Echiverri sa Caloocan

MAGBABANGGAAN SA mainit na pulitika ng Caloocan City ang dalawang mag- ama na sina 1st District Congressman Oscar Malapitan at Councilor Dale Gonzalo Malapitan laban sa mag-amang Mayor Recom Echiverri at ang anak nitong si RJ Echeverri na kasalukuyang Pangulo ng Liga ng mga Barangay.

Kahapon pormal ng nagsumite ng certificate of candidacy (COC) si Cong. Malapitan sa Caloocan City Comelec Office bilang city mayor sa darating na halalan sa 2013. Kasama nito ang buong tiket sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance.

Nagsumite na rin ng kanyang COC si Coun. Dale Malapitan bilang kongresista ng unang distrito ng lungsod kapalit ng kanyang ama sa Kongreso.

Kaugnay nito, nakatakdang magsumite ng COC sina incumbent Mayor Recom Echiverri bilang kongresista ng unang distrito ng lungsod at RJ Echiverri bilang punong lungsod kahalili ng matandang Echiverri.

Kaugnay nito, imo-monitor ng anti-epal campaign ang labanan ng mainit na politika sa lungsod dahil sa ang dalawang matandang pulitiko ay pawang incumbent at may kapasidad na gumamit ng mga gimik at ilang pang trick upang manghikayat ng mga bo-tante lalo na’t di pa panahon ng kampanyahan.

(FERDIE JAVINES)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.