Mag-Amang Echiverri, Pupulutin sa Basurahan

 

MARIING BINATIKOS ng mga dismayadong residente, mga maliliit na mamumuhunan at samahan ng Tricycle Operator’s and Driver’s Association (TODA) ang lokal na Pamahalaan ng Caloocan sa hindi umano makatuwiran at makatarungan paniningil ng mataas na halaga ng bayarin.

Ayon sa mga nabanggit, tumaas sa halagang P10,000.00 ang bayarin sa Business Permit and Licensing Office (BPLO), samantalang mas mababa lamang ang sinisingil ng nakalipas na administrasyon.

Anila, hindi raw u-mano makatarungan at makatao ang ginawang pagtataas ng mga bayarin sa BPLO gayong wala namang dahilan para agad na magtaas ng mga singilin.

Nag-aalburoto rin ang nakararaming residente sa pagtaas ng bayarin sa amilyar sa lupa, gayundin ang mga samahan ng Tricycle Operator and Driver’s Association (TODA) sa biglang pagtaas ng singil sa registration fee sa mga tricycle.

Ayon sa mga miyembro ng TODA sa nasabing lungsod, hindi umano iniisip ng mga lokal na opisyal ang kanilang pag-

hihikahos sa buhay at halos kayod kalabaw sa maghapong pamamasada, kung saan kakarampot lamang ang kanilang kinikita na naiuuwi sa kanilang pamilya.

Sa nagkakaisang pahayag ng mga nabanggit, sinungaling daw si Caloocan City Mayor Rico “Recom” Echiverri dahil sinira umano niya ang kanyang mga pangako noong nagsisimula pa lamang siyang tumatakbong mayor ng lungsod.

“Wala namang ginawang maganda si Echiverri sa tatlong taon niyang termino dahil wala namang ipinagbago ang Lungsod ng Caloocan. Ganu’n pa rin, naghihirap pa rin ang mga taga-lungsod,” dagdag pa ng mga residente, negosyante at mga samahan ng TODA.

Idinagdag pa ng mga ito, tinitiyak nila na pupulutin sa basurahan ang kandidatura ng mag-amang Echiverri sa darating na halalan sa 2013, sa dahilang hindi naman daw nila nakalilimutan ang mga walang kabuluhang pinaggagawa ni Echiverri sa kanyang mga constituent.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.