Mag-ama, Laglag sa Bato

SWAK SA KULUNGAN ang mag-ama nang mahulihan ng mga Shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City Miyerkules ng gabi, Nobyembre 9.

Nakilala ang mga suspek na sina Joy Marcelo, 32, binata at tatay na si Isidro, 61 pawang ng Justicia St., karuhatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban kay Joy sa nasabing lugar.

Nang iabot ni Joy ang dalawang sachet ng Shabu kapalit ng P1,000 ng pulis na umaktong buyer ay agad na dinamba ang una.

Umapela naman si Isidro at pinipigilan ang mga pulis na madala ang anak subalit nang kapkapan ang una ay nakuhanan ng 5 sachet ng Shabu na naging dahilan upang isama ang mag-ama sa presinto.                        (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.