Mag-ama, Kulong sa Tangkang Rape sa Titser

KULONG ANG dalawang lalaki matapos pasukin, nakawan, igapos at tangkaing halayin ang guro sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga nadakip na sina Joel Lito Velasquez, 25; at tatay na si Enrelito Sr., 53; habang pinaghahanap sina Enrelito Jr., at isang alyas Ai-Ai, pawang residente ng Libis Baesa ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-2 ng umaga, pinasok ng mga suspek si Arlene Sabariza, 35, teacher ng Sampalukan School Elemetary School at residente ng Libis Orkana ng lungsod bago iginapos.

Kinuha ng mga suspek ang mga gamit, cellphone, laptop at mga alahas pati cash na P6,000.

Isa sa mga suspek ang nagtangkang manghalay sa biktima at nang huhubaran ng pang-ibabang saplot ang huli ay agad na nagsisigaw na nakatawag ng pansin sa kapit-bahay.

Humingi ng tulong sa barangay tanod ang kapitbahay na naging dahilan upang madakip ang mag-ama habang nakatakas ang dalawang kasama dala ang mga nakulimbat.

(MARY H. SAPICO)

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.