Mag-ama, kinatay sa Surigao del Sur

DALAWA ANG KUMPIRMADONG namatay, kung saan ang isa ay menor de edad, sa nangyaring pamamaril nitong nakaraang araw ng alas-11 ng gabi sa Brgy. Kinayan, bayan ng Barobo, lalawigan ng Surigao del Sur.

Ang mag-amang biktima ay kilalang sina Bienvinido Tamosa, 34, may asawa at isang gold panner, at ang kanyang dalawang taong gulang na anak na si Princess Krizha Mae Tamosa, kapwa parehong residente sa nasabing lugar.

Batay sa pagsisiyasat ng Barobo Municipal Police Station, napag-alaman na ang mga biktima ay natutulog sa mga oras na iyon, nang bigla umanong pumasok sa kanilang pamamahay ang hindi nakilalang suspek at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang isang carbine rifle.

Narekober sa crime scene ang 16 na spent shell ng carbine rifle.

Ang mag-ama ay kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Matapos ang insidente dali umanong tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon.

Nilinaw ng mga awtoridad na sa kanilang naipon na impormasyon, bago umano ang insidente ay binalewala lamang umano ni Bienvinido ang imbitasyon ng Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA) sa isinagawang dayalogo sa buki-ring bahagi ng Brgy. Tambis, Barobo, Surigao del Sur.

Samantala, pinaigting pa ng mga pulis ang inilunsad na operasyon at imbestigasyon kasama na ang pagtukoy sa motibo sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.