Mag-ama, dedo sa shootout

 

LINGAYEN, PANGASINAN – KAMATAYAN ang sinapit ng mag-ama matapos na makipagbarilan sila sa mga alagad ng batas sa Bgy. Lebeg, Laoac, Pangasinan noong Linggo ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rodrigo Ellazar, Jr. at ang anak nitong si Gener habang sugatan naman sa naturang barilan sina Barangay Captain Edgar Ellazar, Barangay Councilor Rogelio Lopez at PO 3 Erwin Lopez.

Nabatid na bago naganap ang insidente, may tawag na natanggap ang Laoac Police Station na nagrereklamo tungkol sa indiscriminate firing na nagaganap sa oras na iyon mula sa loob ng compound ng mga Ellazar.

Agad na rumesponde ang pulisya sa naturang lugar kasama sina Bgy. Captain Ellazar at mga iba pang opisyal ng barangay.

Sa naturang lugar, limang kalalakihan na armado ng baril na kinabibilangan ng mag-ama ang nadatnan ng mga rumespondeng alagad ng batas.

Sinasabing pinagmumura ng mag-amang Ellazar ang mga rumespondeng grupo at pagkatapos ay walang sabi-sabing pinaulanan ng putok ang mga ito.

Dahil dito, napilitan na gumanti ng putok ang mga pulis at nagkaroon ng matinding laban sa pagitan ng mga suspek at ng pulisya.

Makalipas ang ilang minutong palitan ng putok, du-guang bumulagta ang mag-ama habang mabilis naman na tumalilis ang tatlong lalaki na kasamahan ng mag-amang napatay.  (ROLANDO S. GAMOSO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.