MAG-AAMA, NALASON SA SEPTIC TANK

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang ama at dalawang anak na lalaki makaraang malason o ma- suffocate habang nililinis ang isang septic tank kahapon ng madaling-araw sa Carcar, Cebu.

Kinilala ni Carcar Police Chief, Chief Insp. Ali Baron ang mga namatay na sina Mario Nacua, 45, at mga anak na sina Martin, 21; at Melvin, 20 pawang residente ng SitioTinaan, Brgy. Valencia, Carcar.

Sa personal na pahayag sa Pinoy Parazzi ni SPO1 Reynaldo Fuentes, may hawak ng kaso, naganap ang insidente alas-3:45 ng madaling-araw habang nililinis ng mag-aama ang septic tank ng Traveller’s Special House na pag-aari ni Carcar Councilor Jason Fernandez na matatagpuan sa SitioTalasan, Brgy. Villalois.

Nabatid na unang pumasok sa tangke si Mario, subalit nakaramdam ito ng pagkahilo kung kaya’t sumunod sina Marvin at Melvin upang tulungan ang ama subalit maging sila man ay hindi na nakaahon.

Agad na humingi ng tulong ang kanilang mga kasamahan sa pulisya maging sa Bureau of Fire Protection na gumamit pa ng jack-hammer upang butasan ang tangke, at nang maiahon ang mag-aama, agad na isinugod ang mga ito sa Carcar District Hospital, subalit idineklarang patay na ang mga biktima.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “MAG-AAMA, NALASON SA SEPTIC TANK

  1. Pingback: MAG-AAMA, NALASON SA SEPTIC TANK « Eleven Blog

Leave a Reply

Your email address will not be published.