Mag-aama, Kritikal sa Manliligaw ng Anak

TATLONG MIYEMBRO ng isang pamilya ang nasa kritikal na kalagayan makaraan pagsasaksakin ng isang lalaking

manliligaw dahil umano sa sobrang selos sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Uto Senoy, 52, ang dalawang anak nito na sina Lenybeth, 29 at Jerome, 18, na mga naninirahan sa 295 Stotenberg St., 10th Avenue, ng nabanggit na lungsod.

Nakaratay rin sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) ang suspek na si Selmar Sanchez, 25, binata, tricycle driver, ng 273 Reparo St., Bagong Barrio, Caloocan City nang dumugin at pagsasaksakin ng mga kapit-bahay ng mag-aamang biktima.

Base sa ulat ng Caloocan City PNP, bandang alas-3 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente ng pananaksak sa loob ng bahay ng mga biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na nagsadya ang manliligaw na suspek sa bahay ng mga Senoy at kaagad na kinumpronta ang biktimang si Lenybeth nang malaman ng huli na nagpakasal ang nasabing babae sa isang Hapones na humantong sa isang mainitang pagtatalo.

Habang nasa kainitan ng pagtatalo, binunot ng suspek ang kanyang patalim mula sa baywang nito at saksa pinag-uundayan ng saksak si Lenybeth sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Ginawang awatin ng mag-amang Uto at Jerome ang suspek sa ginagawang pana-naksak nito sa babae kaya sila naman ang pinagbuntunan ng galit at pinagsasaksak. Pagkatapos ay mabilis na tumakas ang suspek.

Habang papatakas ay nagawang makahingi ng saklolo ang mga kaanak ng mga biktima na nakatawag naman ng pansin ng kanilang mga kapit-bahay.

Hinabol ng mga kapit-bahay ang suspek hanggang sa ito ay masukol na humantong para pagtulungan itong bugbugin at saksakin ng mga nakahuli kay Sanchez.

Ang mag-aamang biktima at ang suspek ay parehong dinala sa PDMMMC, kung saan ang mga ito ay pawang nakaratay at inoobserbahan ng mga mangagamot ng nasabing pagamutan.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.