Maeskandalong hiwalayan nina Iwa Moto at Mickey Ablan

 alt=

MASALIMUOT AT matagal ding pinag-usapan ang awayan at break-up nina Iwa Moto at Mickey Ablan.

Ito ang isa sa pinakapangit na showbiz break-up dahil maeskandalo at hindi magandang tingnan na umabot sa habulan, basagan ng kotse, suguran ng bahay at nasangkot pa sa bugbugan.

Kung gaano kainit ang pagmamahalan nila noon, ganu’n din kainit ang away na sinubaybayan natin.

Natahimik na lang ito nang nagdesisyon si Iwa na magbakasyon ng ilang buwan sa Japan para ayusin ang kanyang citizenship at makipag-bonding sa kanyang kapatid.

Hindi ganu’n kadali kay Iwa ang break-up na ‘yun, pero na-lagpasan naman niya dahil nakakapagsalita na ito nang diretsong wala nang pag-asang magkabalikan sila ni Mickey kaya inaayos na niya ngayon ang mga dapat ayusin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin masabi ni Iwa kung ano itong inaayos niya dahil sa payo na rin ng kanyang abogado.

Obvious na tungkol pa rin ito sa napabalitang kasal nila ni Mickey nu’ng taong 2009.

Wala pa rin silang inaamin tungkol dito, pero napag-alamang dalawang beses silang nagpakasal kaya mahirap ito sa Fil-Jap actress na magsalita dahil ayaw na raw niyang makasagasa pa ng ibang tao.

Kaya tahimik niyang inaayos ito dahil may madadamay at isa na nga rito si Janna Dominguez na napabalitang ilang buwang buntis na.

Sabi nga ni Iwa, hindi naman daw ang sarili niya ang pinuprotektahan dito kundi ang ibang tao, na obvious sina Mickey at Janna.

Kung totoong kasal nga sina Mickey at Iwa, delikado nga rito ang una at pati na rin si Janna dahil puwede silang makasuhan ni Iwa.

Pero hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari dahil ayaw pa rin munang magsalita ni Iwa.

Ang pangako sa amin, konting tiyaga pa at maghintay lang dahil magsasalita din naman daw siya sa tamang panahon kapag maayos na ang lahat.

Ang huling tweet sa amin ni Iwa. “Nakaka-stress kaya!! Hahaha. Kailangan mag-work mahal kayang magdemanda!”

Tahimik na rin sina Mickey at Janna sa ngayon. Safe na rin ang mga ipinu-post sa kanilang Twitter account at kahit ilang beses namin silang kinukulit na magsalita, tumatanggi sila dahil mas mabuting tahimik na lang daw.

Inaamin din ni Iwa na nagti-text at nag-uusap sila ni Mickey, dahil nga sa inaayos nito, para hindi na lumaki ang gulo.

Gorgy’s Park

By Gorgy Rula

loading...

4 thoughts on “Maeskandalong hiwalayan nina Iwa Moto at Mickey Ablan

  1. Sa opinion ko lang parang pareho lang itong si Iwa at Janna, parang hindi magagandang ehemplo sa mga kabataan ngayon dahil super liberated na parang malaswa na.

  2. Bakit po recycled issue ang tinalakay niyong lahat na writers sa araw na ‘to? Utos ng editor maglagay ng mga fillers sa columns niyo? Hmm..

  3. Again if you don’t want your life to be like that of a CIRCUS then don’t AIR your DIRTY LAUNDRY in PUBLIC! Tsura ng mga ito kala mo ke gagaling na mga artista.Oo napag uusapan kayo kasi napaka eskandalosa ninyo at papansin hindi dahil sa sikat kayo Tse!

  4. Pingback: Maeskandalong hiwalayan nina Iwa Moto at Mickey Ablan - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.