Madre, anim na beses Sinaksak ng pamangkin

IT’S A MIRACLE!

Ito ang nasabi ng mga kaanak ng 71-anyos na madre makaraang malagpasan nito ang kritikal na kundisyon ng anim na beses na saksakin ng pamangkin sa General Santos City sa South Cotabato.

Sa ulat, kinilala ang biktima na si Sister Justina Tagda, ng San Pedro St., Barangay Lagao.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Chuck Soto, 18-anyos, binata at residente rin sa lugar.

Sa imbestigasyon, humingi ng pagkain ang suspek sa biktima subalit hindi aniya nagustuhan ng una ang hindi pagsagot ng huli na nauwi sa pananaksak.

Nagtamo ng dalawang saksak sa bibig at apat na sugat sa katawan si Tagda at kahit hinang-hina pa ay nakahingi pa ng saklolo sa kapitbahay dahilan para maisugod agad sa pagamutan kaya napahupa ang pagdaloy ng dugo nito.

Patuloy pang inaalam ang motibo ng pananaksak na sinasabing isang sorpresa dahil tahimik umano si Soto at wala sa karakter nito ang manakit.  (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.